Saturday, December 31, 2016

BREAKING: ABS-CBN cameraman isa pa lang pusher! Huli sa drug buy bust operation!




Arestado ang isang ABS-CBN cameraman sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City pasado alas otso kwarenta kagabi.

Kinilala ang suspek na si Anthony Martin.

Ayon sa inisyal na report. Isang pulis ng QCPD Station 7 o Cubao Police Station Anti Illegal Drugs ang nagpanggap na bibili ng shabu mula kay Martin.

Dapat ay sa may binguhan sa Cubao P. Tuazon magkikita ang suspek at poser buyer ngunit pinapunta umano ni Martin ang ka-transaksyon sa isang fastfood chain sa may ABS-CBN.

Nakabili ang operatiba ng shabu na nagkakahalaga ng 3,500 mula sa suspek.

Narecover mula sa suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng limampung libong piso, drug paraphernalia tulad ng aluminum foil.

Kakasuhan ng paglabag sa ra 9165 o comprehensive dangerous drugs act ang nahuling suspek.
Si Martin ay isang empleyado ng ABS-CBN Corporation.


WATCH THE VIDEO HERE:
Sources: GMA News YouTube

0 comments

Post a Comment