Tuesday, January 31, 2017

BREAKING: 'Oplan Tokhang' will be stop temporarily for internal cleansing against 'scalawags'

Inanunsiyo araw ni PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa at Chief Oscar Abayalde na wala na munang Oplan Tokhang at Project Double Barrel ang PNP sa buong bansa.

Ito ay kasunod sa pagbuwag ni Dela Rosa sa lahat ng anti-illegal drugs unit ng PNP alinsunod sa utos ni Pangulong Rosdrigo Duterte.

Sinabi ni Dela Rosa na tinanggal ng pangulo ang kapangyarihan ng PNP na mag-operate na may kaugnayan sa iligal na droga.

Aniya, sa ngayon imbes na war on drugs ay "war on scalawags policemen" na ang tututukan ng pambansang pulisya.

Nangangahulugan ito na nakatuon na sila sa internal cleansing matapos ang serye ng krimen na kinasasangkutan ng mga pulis partikular ang pagkamatay ng Koreanong si Jee Ick Joo.

Ibinunyag pa ni Dela Rosa, na itatayo ng PNP ang Counter-Intelligence Task Force na magsisiyasat sa lahat ng pulis lalo na iyong mga nakasuhan na dati ngunit nakabalik pa rin sa serbisyo matapos umapela.

Bukod sa internal cleansing, magpo-focus na rin ang PNP sa pagsugpo sa kanilang seven focus crimes.

Nanghihinayang si Dela Rosa dahil sa aniya'y magandang nasimulan ng PNP sa giyera laban sa droga pero wala daw silang magagawa ngayon kundi sumunod.

Tuluy-tuloy pa rin naman daw ang war on Drugs pero sa ngayon ay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang magiging lead agency.

Ang Pangulong Duterte ay nagsabi naman na extended ang war on drugs hanggang sa matapos na ang kanyang termino na anim na taon,


WATCH THE VIDEO HERE IN 4:01 PERIOD:
Source: News to go

0 comments

Post a Comment