Wednesday, January 18, 2017

Leni Robredo, the actress chosen by the Conspirators?

Sa isang media forum kanina, tinanong ako ng host kung ano ang aking reaction sa sinabi ng kampo ni Robredo na hindi dapat patulan ang isyu ng mga hindi nagamit na SD cards pero merong laman dahil siya naman daw talaga ang totoong nanalo.

Ang reaction ko rito:

Malinaw na napatunayan ngayon ng kampo ni BBM na may milagrong nangyari sa mga ekstrang SD cards na ito. Malinaw na may tampering na nangyari rito.

Ang milagrong ito ay hindi para sa kabutihan kundi para sa isang malaking kalokohan at kasamaan na ang biktima ay buong sambayanan.

In contrast, hanggang ngayon, hindi pa napatunayan ng kampo ni Robredo na walang milagro o dayaan na nangyari sa halalan.

Hindi sapat ang kanyang proklamasyon bilang panalo upang ibalewala ang isyung ito dahil ang pinagbasehan ng kanyang proklamasyon ay ang bilangan ng boto na minaniubra naman ng cosmetic script ng sindikato sa gabi ng bilangan.








Source: Glenn Chong Facebook

0 comments

Post a Comment