Sunday, January 22, 2017

LOOK: An honest taxi driver gets praised by Netizens!

Last December, may sinundo ung friend ko sa may Jollibee LRT Gil Puyat. Hiniram nya cp ko kasi may pantawag ako, pinadala ko naman. Pagbalik nila... ang galing, wala na yung cp naming dalawa. Nakakaiyak. Ang luwang ng bulsa kasi, so ayun, yung SAMSUNG J7 ko tapos IPHONE 6 nya, na-lost, nahulog sa taxi! Panic mode na sya, syempre ako din. Jusmiyo nakakapraning po.

Anyway, to cut the long story short, tinawagan namin ung number namin. Walang sumasagot sa cp ng friend ko, pero sinagot ni kuya driver ung call sa number ko. Kya panic na naman si koya friend haha kasi namn po naka-silent ang cp nya, eh ung akin may ringtone. Early morning to, like 6am na. Pauwi na dapat tong si kuya, magpapacarwash na dapat sya, bumalik sya ng Makati para ibalik po ung phone namin. Maraming salamat po. Hindi lang isa kundi dalawang phone un, pero hindi nya inangkin 👊. Ayun, binalikan nya po kami, hinanap nya pa raw ung phone na isa, ung Iphone 6 nsa ilalim ng upuan. Di nya agad nakita.

Nung sinabi namin kay kuya na pipicturan namin sya pra i-commend, sabi nya sana daw makita ng anak nya. Oi kung sino man po anak ni kuya, be proud ha. Mabuting tao tatay mo. Ikaw pa naalala nya ng time na to. super bait po niya 😊😊
Maraming salamat po. Ingat lagi sa pagdrive. Sana madami pang katulad nyo. Salamat po talaga! May God bless you more 😘 Time out muna sa mga nakaka-inis na news. Good vibes naman tayo. 😊
MABUHAY KA MANONG! PASIKATIN NATIN SIYA
#SpreadingGoodVibes
#GoodSamaritan
#HonestTaxiDriver

SEE THE POST BELOW:



Source: Marie Trinidad Facebook

0 comments

Post a Comment