Friday, January 27, 2017

WATCH: 2 High School Teacher nahuli sa buy-bust operation sa CDO!



Sa Carmen, Cagayan de Oro City, arestado sa drug buy-bust operation sa Lumbia ang dalawang guro na umano'y tulak ng droga. Hindi na nakapalag pa ang parehong high school teachers na sina Alex Dela Vega at Velijun Perez. Ayon sa PNP, may dalawang buwan na nilang minamanmanan si Dela Vega. Nabilhan ang mga suspek ng isang pakete ng hinihinalang shabu at nakakuha rin ng 8 pang sachet sa kanila na tinatayang may street value na P20,000. Ayon sa Department of Education Region X, naalarma sila sa insidente. Posible rin daw na maharap sa kasong administratibo ang dalawang guro, depende na rin sa gagawing rekomendasyon ng kanilang direct supervisors.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE, ABSCBNNEWS

0 comments

Post a Comment