Sunday, January 29, 2017

WATCH: Babae patay ng madaliin ng konduktor sa pagbaba


Minadali umano ng konduktor ng bus ang isang babaeng pasahero kaya nahulog ito at namatay sa EDSA-Balintawak sa Quezon City. Sa ulat ng 24 Oras nitong Linggo ng gabi, nakilala ang biktima na si Purita Boe, 49. Nahulog si Boe mula sa sinasakyang bus at bumagok ang ulo sa kalsada na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Ayon sa konduktor ng bus, nasa likuran niya ang biktima habang nasa hagdan ng bus. Nagulat na lamang daw siya nang makitang nakahandusay na ang biktima sa kalsada. Sa pahayag naman ng ibang saksi, minadali si Boe ng konduktor na bumaba dahil may traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority sa lugar. Sumuko na sa pulisya ang driver ng bus na nakilalang si Edmond Salcedo.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: GMANEWS

0 comments

Post a Comment