Friday, January 27, 2017

WATCH: Enrile binatikos si Mar Roxas sa Mamasapano Massacre


Deretsahan nang tinanggihan kahapon ng Malacañang ang imbitasyon ni Se­nate minority leader Juan Ponce Enrile kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na dumalo sa mu­ling binuksang Mamasapano Senate hearing kaya naman tila bumaling ang una kay da­ting DILG Sec. Mar Roxas at iba pang imbita­dong opisyal ng pamahalaang Aquino.

“I’m going to ask them questions,” pahayag ni Enrile sa panayam ng mga reporters sa telepono kahapon.

Ayon kay Enrile, mas mabuti aniyang dumalo si Roxas, ang standard bearer ng administrasyon sa presidential elections, sa pagdinig nang ma­usisa niya itong mabuti sa naging papel nito sa Oplan Exodus na nagresulta sa pagkasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force.

“It doesn’t matter if he’s a candidate, I’m not going to deal with his candidacy. I’m going to ask about performance of duty while you’re in office,” sabi ni Enrile.

Tumanggi naman itong sabihin kung ano ang tatanungin niya kay Roxas.

“‘Di ko sasabihin sa inyo ‘yung mga ta­tanungin ko. I hope you understand my position,” sabi pa ng senador.

Tiniyak naman ni Enrile na hindi niya hahaluan ng pulitika ang kanyang magiging partisipasyon sa muling pagdinig ng Senado sa Mamasapano.

Bilang paglilinaw naman sa pag-iimbita ng Senado kay Pangulong Aquino, sinabi ni Enrile na, “Iyon ang sinasabi ko, matagal na ako sa government alam ko ang mga protocol.”

“Wala akong hinanakit sa Presidente. Ngayon, kung gusto ng Presidente na sagutin ang aking tatanungin ay welcome siya,” dagdag pa ni Enrile sa panayam sa telepono ng mga reporters.

Maging si Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay sang-­ayon na hindi puwedeng obliga­hin ang Pangulo na sumipot sa Senate hearing pero kung sakali umanong magpasyang dumalo ay gina­garantiya nila na hindi ito ba­bastusin sa pagdinig.

“Ang Executive Department is independent and co-equal with the Legislative Department. So ‘yung isang Department, hindi pwede orderan ‘yung isa,” ani Marcos.

Mula sa Malacañang, sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na walang plano ang Pangulo na sumipot sa Senate re-opening ng Mamasapano probe dahil, “Sa simula’t sapul naging bukas at hayag ang pamahalaan hinggil sa mga kaganapan sa Mamasapano.

Marami nang naisagawa at nakumpletong imbestiga­syon hinggil dito tulad ng PNP Board of Inquiry, Kamara de Representantes, Senado, Commission on Human Rights. Pati ang DOJ at NBI at Office of the Ombudsman ay nagsa­gawa ng sarili nilang pagsisiyasat,” paliwanag ni Coloma.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE, ABANTE

0 comments

Post a Comment