Tuesday, January 31, 2017

WATCH: Magkapatid na edad 6 at 9-anyos, patay matapos gilitan sa leeg at gahasain umano


Brutal na pinaslang ang dalawang batang magkapatid na babae sa Agusan del Sur. Nakita ang kanilang bangkay na nakabaon sa putikan, na laslas ang leeg at pinaniniwalaang ginahasa pa.Sa ulat ng GMA News TV's "QRT" nitong Martes, sinabing edad anim at siyam ang magkapatid na biktima, na nagpaalam umano sa kanilang mga magulang sa Bunawan, Agusan del Sur na mangunguha ng kahoy at prutas sa bukid. Pero nang hindi makauwi ang magkapatid, dumulog na sa pulis ang mga magulang ng bata para hanapin ang kanilang dalawang anak. Kaagad na hinanap ang magkapatid pero patay na sila nang matagpuang nakabaon sa putikan. Sa tulong ng impormasyon, natukoy ang suspek na si Wilmar Peñaloga. Nang puntahan ng mga pulis si Peñalogo, nagpaputok umano ito ng baril kaya napatay siya ng mga awtoridad. Nakuha umano sa suspek ang isang baril, itak, at hinihinalang shabu at drug paraphernalia.--


SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment