Thursday, February 2, 2017

4 na buwang buntis, hinihinalang ginahasa at natagpuang nakasabit sa puno


Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas," nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Angelique Bulatao, 20-anyos, residente ng Hermosa, Bataan.

Base sa imbestigasyon, nasa apat na araw nang patay ang biktima na nakita nitong Lunes.
Nagtamo siya ng mga sugat sa ulo at may nakatusok daw na matigas na bagay sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Maaari umanong ginahasa ang biktima na apat na buwang buntis, ayon sa kanyang mga kaanak.
Kuwento ng lola ng biktima, tatlong lalaki na manggagawa sa isang planta sa lugar ang dinampot ng Hermosa police.

Isa raw sa mga ito ang hinihinalang kasintahan ng ina ng biktima pero kaagad din daw pinalaya.
Sa hiwalay na ulat ng GMA News TV's "Balitanghali," sinabi ng lola ng biktima na Biyernes nitong nakaraang linggo nang huling makitang buhay ang biktima.

Nagpaalam lang daw ang kaniyang apo na bibili lang ng barbecue pero hindi na nakauwi.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at pagtukoy sa salarin.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: GMANEWS, YOUTUBE

0 comments

Post a Comment