Friday, February 17, 2017

906 na kaso ipinanalo ni Marcos, Akusasyon ng mga Aquino walang matibay na ebidensya!


The truth about Marcos Wealth

ill gotten nga ba ang kayamanan ng mga Marcos? Mahigit 900 na ang kasong isinampa ng PCGG o gobyerno sa pamilyang Marcos pero lahat ito'y pinanalo ng mga Marcos. Nililinlang ng media ang taong bayan sa pagbabalita nila na may mga naipanalo na ang gobyerno na kaso para patuloy na maniwala ang mga mamamayan na corrupt si pangulong Marcos. Ang isang halimbawa nito ay ang ibinalita noong 2013 na nanalo daw ang gobyerno para pagbayarin ang mga Marcos sa mga martial law victims of human rights violation. Ito ay malaking kasinungalingan dahil ang sinasabi nilang ipinanalo ay ang Republic Act 10368 (Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013) na isa lamang senate bill. Kahit anung batas na gustohin ni Pnoy ay maipapasa nya dahil kakampi nya ang majority ng mambabatas sa senado at kongerso. Di ba kayo nagtataka kung bakit 2013 lang yan naipasa after 27 years at mismong sa termino pa ni Pnoy.

Ang isa pang binabalita ng media kamakailan lang ay ang pagkakapanalo ng PCGG sa Singapore court para maibalik ang ill-gotten wealth. Yung ibinabalita dito sa bansa natin ay edited na kaya po nilagay ko sa baba ang news link sa Singapore kung saan mismo ginawa ang paglilitis para malaman natin kung anu nga ba ang hatol ng korte nila. Napunta ang pera sa PNB at di naman sinabi sa korte na galing sa nakaw ang pera yan. Kaya pala last year lang isinapribado na ang PNB para makuha na nila agad ang perang ito. http://news.asiaone.com/…/as…/pnb-gets-marcos-loot-singapore http://www.gov.ph/2015/02/10/executiv...

Ang PCGG ay isang executive order lang na ginawa ni Cory 3 araw pa lang makalipas ang EDSA people power. Diba nakakapagtaka na sa loob ng 3 araw pa lang alam na kaagad ni Cory na nangurakot si Marcos ng bilyong bilyong dolyar. Ilegal po ang PCGG dahil sapilitan nilang kinukuha ang lahat ng pagaari ng mga Marcos kahit wala namang silang katibayan na nangurakot ito. Against sa hatol ng korte ang ginagawa ng PCGG pang bubully dahil lahat naman ng kaso napawalang sala ang mga Marcos. Sapilitan nilang kinuha ang mga pagaari ng mga Marcos at yun ang sinasabi nilang mga narecover daw. http://manilastandardtoday.com/…/pcgg-legally-does-not-exis…

Noong naganap ang Trial of the Century sa New York, may 99 na testigo si Cory na humarap sa korte laban sa mga Marcos samantalang si Imelda ni isa wala syang naiharap na testigo. Ang tanging hawak nya ay mga dokumento na magpapatunay na mayaman na sila bago pa man naging presidente si Marcos. Pinanalo ni Imelda ang kaso dahil napatunayan sa korte na totoo ang kanyang mga hawak na dokumento. Mahirap sabihing chamba lang ito o nagkamali lang ng hatol ang korte kasi ang mga dokumento rin na ito ang ginamit nyang ebidensya para maipanalo ang 900+ pa na kaso na isinampa ng gobyerno.

Alam nyo ba na hindi maibenta ng PCGG ang mga kinuha nilang alahas ni Imelda dahil sa totoo ang mga dokumentong hawak nya na magpapatunay na sya ang legal na may ari. Palagi lang binabalita na ipapasubasta kunwari para ipaalala sa taong bayan na magnanakaw ang mga Marcos. Hangang ngayon patuloy tayong nililinlang ng gobyerno at media, pati si Luchi Cruz Valdez sinasabi nya na 20 years daw tumagal ang martial law kahit alam nya na 8 years lang naman. Kaya ako naman ang manghahamon sa Philippines media na patunayan nyo muna na hindi totoo ang mga hawak na dokumento ni Imelda bago nyo sila tawagin magnanakaw. Pagtyagaan nyo pong basahin itong link ng thesis sa baba para malaman nyo ang buong katotohanan.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment