Friday, February 3, 2017

Grade 5 pupil muntikan ng ma rape, Suspect patay tapos kuyugin ng mga tao!

Patay ang isang tricycle driver matapos siyang pagtulungang gulpihin ng mga tao nang humingi ng tulong ang isang grade five pupil na tinangka raw nitong halayin sa General Santos City.

Nakatakbo umano ang biktima at nakahingi ng saklolo sa mga tao sa paligid.

Kaagad namang tumulong ang mga tao sa bata at binugbog ang suspek.

Sugatang dinala ang suspek sa ospital pero binawian ito ng buhay.

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng suspek dahil wala umano itong ID at wala rin daw anumang papeles sa dala niyang tricycle.

Dinala rin sa ospital ang batang biktima dahil sa sinapit nitong trauma sa insidente.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE, GMANEWS

0 comments

Post a Comment