Saturday, February 25, 2017

LP rally, nilangaw at maagang natapos! LP Senators, maagang nagsi-uwi

Natapos na ang Peoples Power rally na isinagawa ng Liberal Party sa Edsa Shrine Ortigas gayun din naman ang United DDS Rally para protektahan si Pang. Duterte. Sabay na inilunsad ang dalawang rally na ito kahapon Peb. 25, Sabado hanggang Linggo ng umaga.

Makikita ang malinaw na kaibahan ng dalawang rally na ito. Iilan na lang ang mga dumalo sa Peoples Power at may usap-usapan na nabayaran pa ang mga ito kaya't karamihan sa mga dumalo ay mga politiko ng Liberal Party, raliyistang galing sa U.P at Ateneo na silang may hawak na banner kontra Marcos.

Samantala, sa Duterte Rally naman ay di hamak na marami talaga ang pumunta, malayo sa bilang ng kabila, halos mapuno ang Quirino Grandstand, nakasuot sila ng damit na pula at may kani-kaniyang banner pabor kay Pang. Duterte at sa plataporma nito kontra ilegal na droga.


Nag prayer vigil rin ang mga ito at nagperform naman ang mga Pinoy Artist na boluntaryong sumusuporta sa Pangulo noon pa man. Iba't ibang relihiyon ang nagpunta rito kabilang ang mga muslim, katoliko at lalo na ang Iglesia ni Cristo.

Sa aking palagay, nagkakaisa ang mga Pilipino sa iisang mithiin na siyang kinokontra ng Liberal Party. Ano nga ba ang maitim na motibo ng sindikatong ito sa ating Gobyerno?? Bakit patuloy na ayaw nilang manaig ang desisyon ng taumbayan??

Patuloy tayong magbantay mga kababayan dahil alam nating lahat ay gagawin ng mga ito upang makuha ang posisyon. Tayong mga Pilipino lamang po ang makikipaglaban para sa ating Lupang Sinilangan. Nakikiisa ako sa mithiin ng Gobyernong Duterte dahil ito ay makakabuti para sa nakararami. 

YELLOW RALLY:







UNITED DUTERTE DIE-HARD SUPPORTERS RALLY:




-Admin Sofie.
Photos courtesy by Mocha Uson Blog and VovPH

1 comments:

  1. Namaos na sila kasisigaw ng "Who-Ca-Yen! Who-Ca-Yen!" Eto naman sigaw sa inyo ngayon "Knee-La-Ngaw! Knee-La-Ngaw!"������ May bago nga pala silang chant ngayon nalimutan ko "Look at Me! Look at Me!" Courtesy of Apo Jim hehehe!!������ Patulan ba naman yung mga bata hehehe!!��

    ReplyDelete