Wednesday, February 1, 2017

READ: Abogado ni Leni na si Macalintal, beteranong mandurugas?

MACALINTAL AND COMELEC:
PULLING THEIR RESPECTIVE STUNTS
(The Cheats are Getting More Desperate)

Click here for the English Version:
https://www.dropbox.com/s/emf1hkoorud2val/Macalintal%20and%20COMELEC%20Pulling%20Their%20Respective%20Stunts.docx?dl=0

Pinayuhan ng kampo ni BBM si Atty. Romulo Macalintal, abogado ni presumptive VP Robredo, na tigilan na ang pagbibigay ng mga pahayag na tila ba isa siyang hurado ng Korte Suprema. “Hindi dapat magsasalita si Macalintal para sa Korte Suprema o para sa kahit sinong hurado nito. Naiintindihan namin ang pangamba nina Macalintal at Robredo sa paglabas ngayon ng mga ebidensiya ng dayaan sa nagdaang halalan,” ayon kay Atty. Vic Rodriquez.

Kahapon, inulit muli ni Macalintal ang kanyang hamon kay BBM at Atty. Rodriquez na lumagda sa isang kasunduan na babawiin nila ang election protest laban kay Robredo sakaling mapatunayan na ang datus sa loob ng 13 SD cards ay hindi makakapagpatunay ng dayaan. Ayon kay Macalintal, ang paratang ng dayaan gamit ang SD cards ay “media stunt” lamang ng kampo ni BBM dahil hindi sila sumipot sa harap ng Manila Cathedral ayon sa hamon ni Macalintal.

Kung susuriin ang hamon ni Macalintal na isinulat niya sa isang Memorandum of Agreement, makikita na ito ay minadaling cut-and-paste lamang at nagpapakita ng kanyang sobrang kasabikan na maisahan niya ang kampo ni BBM. Sa pangalawang pahina ng dokumento, may isang VILLANUEVA na kailangang isuko kaagad ang kanyang lisensya bilang abogado kung hindi mapapatunayan ang “malawakang dayaan sa halalan.” Walang Villanueva ang kasali sa hamon niya. Nagmumukha tuloy si Macalintal na payaso sa isang peryahan kaysa isang respetadong election lawyer.

Pero ang importanteng ponto sa dokumentong ginawa ni Macalintal ay ang pagpapakita nito ng panlilinlang o pandaraya ng taong nanghamon kina BBM at Atty. Rodriguez. Gusto ni Macalintal na mapasubo sa “sloppy document” niya si BBM kaya ipinipilit niyang pumirma si BBM nito. Pero, hindi pinapipirma ni Macalintal ang kanyang kliyente na si Robredo. Kung hahamunin niya si Atty. Vic Rodriquez at itali si BBM sa kasunduan, dapat itali rin ni Macalintal si Robredo sa nasabing kasunduan. Kung pinapabawi kay BBM ang kanyang protesta kung hindi mapapatunayan ang dayaan gamit ang 13 SD cards, dapat ding bumaba si Robredo sa kanyang pwesto ng walang anumang kondisyon sakaling mapatunayan na may dayaan gamit ang 13 SD cards.

Ito ang payak na kahulugan ng fair play. 

Hindi pupweding si BBM lang ang may penalty kung matatalo siya sa hamon habang libreng-libre si Robredo na tumalikod sa kasunduan kung matatalo ang kanyang nagmamagaling na abogado. Sinuman ang iiwas sa mga patakaran ng fair play tungkol sa kahit anong bagay o isyu ay malinaw na mandaraya kasi hindi lumalaban ng patas – gustong palaging lamang kahit hindi pa nagsimula ang laban.

Kaya nga nagfile si BBM ng motion upang magkaroon na ng preliminary conference sa protesta upang umusad na ito dahil pursigido siyang patunayan ang mga alegasyon ng dayaan, kasama pati ang isyu ng mga pinaghihinalaang SD cards. Pero hindi ibig sabihin na magagapos ni Macalintal sa BBM sa kanyang mapanlinlang na hamon at mapigilan siyang maghain ng mga kaukulang motion ayon sa batas. Ang reaksyon na ito ni Macalintal sa paghain ng motion for preliminary conference ay nagpapakita lamang ng matinding pangamba sa kampo ni Robredo na sa wakas ay uusad na talaga ang protesta at mabuking na ng tuluyan ang dayaan.


Sa kabilang dako, naghain din ng motion kamakailan ang COMELEC sa Korte Suprema/PET na humihingi ng pahintulot na i-reboot at mag-diagnostics sa mga servers nito doon sa Memory Configuration Room (MCR) sa bodega nila sa Sta. Rosa dahil diumano ay bumagsak ang kisame ng nasabing silid at nag-malfunction din ang airconditioning system nito kaya uminit ng husto ang mga servers at may hindi karaniwang tunog ang naririnig sa loob nito.

Matapos nilustay ng COMELEC ang mahigit 32 bilyong pisong pinaghirapang bayaran ng taong-bayan para sa halalang 2016 at mahigit 10 bilyong piso ang pumunta sa bulsa ng SMARTMATIC, binigyan lamang tayo ng kisame na kagilas-gilas na guguho lang pala sa loob lamang ng isang taon!

At perpekto rin ang timing ng kanilang stunt na ito! Kailangan talagang mangyari ito malapit ang bagong taon ng walang nagbabantay o makakapuna dahil lahat ay nakatutok sa pagbili ng mga paputok, pag-attend ng mga parties, at paghahanda ng selebrasyon. Kaya ito ang perfect timing ng pagpapautok ng “firecracker” ng COMELEC para sa baong taon.

Malinaw ko pang natatandaan, isang araw matapos akong lumabas sa GMA News TV noong November 2014 kung saan ipinakita ko sa publiko sa unang pagkakataon ang libo-libong mga pekeng balota sa mga pekeng boxes nito na ginamit sa cover-up ng dayaan noong 2013, isang silid sa headquarters ng COMELEC sa Intramuros ay bigla na lang nasunog. Siyempre, natakpan kaagad ng balita sa sunog ang balita ng mga pekeng balota. Kaya ang pagguho ng kisame ngayon ay isang stunt o drama lamang upang takpan na naman ang bakas ng dayaan.

Tandaan natin, ang motion na ito ng COMELEC ay humingi ng “blanket authority” o walang limitasyon sa pagsasagawa ng reboot at diagnostics sa mga servers. Hindi nila binigyan ng sapat na detalye ang Korte Suprema kung alin sa ilang mga servers doon ang dapat i-reboot at i-diagnostic. Kulang sa mga mahalagang detalye o impormasyon ang kanilang motion at walang garantiya na mapangalagaan ang integridad ng procesong gagawin. Dahil sa mga kakulangang ito, “blanket authority” ang lalabas na pahintulot ng Korte Suprema at kahit anong files ay pwedeng baguhin o burahin. Kaya ang motion na ito ay dinisenyo talaga upang linlangin muli ang Korte Suprema.

Si Macalintal at ang COMELEC ay kanya-kanyang gimmick ng kanilang bawat stunt, isang malinaw na palatandaan ng lumalaking pangamba. Ngayon, alam na natin.


Source: Atty. Glenn Chong Facebook

0 comments

Post a Comment