Thursday, February 2, 2017

Tulay ng pagbabago sa Linapao, Iligan bukas na


Hindi na dadaan sa alambre upang tumawid sa sapa ang mga estudyante at mga residente sa Barangay Lanipao sa Iligan City dahil bukas na ang ginawang tulay ng Department of Public Works and Highways.
Sa video na kuha at na-upload ng guro na si Yasmin Mangorsi, tatlong buwan na ang nakalipas, makikita ang delikadong pagtawid ng estudyanteng si Farridah Bansil kasama ang kanyang pamangkin sa kable na ginawa ng mga residente mula sa Purok Gutom, Barangay Lanipao patungong eskwelahan.
Ngayon, hindi na nila kailangang magpakahirap sa pagtawid dahil bukas na ang ginawang tulay ng DPWH na tinawag nilang “Tulay ng Pagbabago.”
Ayon kay Bansil, wala na silang dahilan para lumiban sa klase lalo na kapag umuulan.

Masaya ako dito sa hanging bridge namin kasi pag lumalaki ang tubig di kami aabsent sa pag-aaral namin kasi di maaabot yung tubig,” sabi ni Bansil.
Ayon sa gurong si Mangorsi, hindi niya inakalang dahil sa kanyang video ay mabibigyan ng solusyon ang limang taon na nilang problema sa tulay.
Nasira ng bagyong Sendong ang tulay na dinadaanan nila noon.
“This is not actually our mandate pero because of the concern of our beloved secretary that's why we find ways and means to get the funding,” pahayag ni DPWH District Engineer Peter Rey Gille.
Ang barangay na ang mag-aalaga sa proyekto habang umaasa ang mga guro na maayos din ang kanilang kalsada at mabigyan sila ng isa pang tulay na mag-uugnay sa Barangay Digkilaan at Lanipao, lalo't kailangan pa nilang tumawid sa sapa papuntang bayan.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE, ABSCBNNEWS

0 comments

Post a Comment