Tuesday, February 21, 2017

WATCH: Lola kritikal ang kondisyon dahil sa pananaksak at pagnanakaw ng isang menor de edad!


Malubhang nasugatan ang isang 63-anyos na lola matapos siyang pagnakawan sa loob ng bahay at pagsasaksakin pa ng isang menor de edad sa Lingayen, Pangasinan.
Sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban sa GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Martes, kinilala ang biktima na si Delia Espiritu, residente ng Sitio Aliguas sa barangay Libsong East sa bayan ng Lingayen.

Ayon sa pulisya, mag-aalas dose ng hatinggabi nitong Lunes nang pasukin ng 16-anyos na salarin ang bahay ng biktima.
Sinaksak umano ng menor de edad sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima at tinangay ang dalawang cellphone na nasa loob ng kuwarto ng biktima.
Nakita umano ng mga kapitbahay ang duguang biktima na humihingi ng tulong kaya dinala nila ito sa pagamutan.

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang salarin.

WATCH VIDEO BELOW:

SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment