Monday, March 6, 2017

Auxillary Bishop Broderick Pabillo Propaganda lang ang imbitayon ng PNP sa Oplan Tokhang


Manila, Philippines – Ibinasura ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang imbitasyon ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na sumama ang mga pari sa kanilang project double barrel alpha reloaded.

Ayon kay Pabillo, ang naturang imbitasyon ay propaganda lang ng PNP.

Aniya, itutuloy pa rin ng PNP ang mga pagbaril at pagpatay kung saan ang presensya ng mga pari ang isasangkalan ng mga pulis para sabihing lehitimo ang kanilang mga operasyon.

Iginiit ni pabillo na sa halip na imbitahan ang mga pari ay mas mainam na tuluyan nang itigil ng pambansang pulisya ang kanilang ‘oplan tokhang’.

WATCH VIDEO BELOW:




VIDEO SOURCE: NEWS5

0 comments

Post a Comment