Sunday, March 5, 2017

BREAKING: Dela Rosa hihikayatin ang mga Paring Katoliko na makiisa sa Oplan Tokhang!


Upang hindi gaanong maging madugo, kukumbinsihin ng Philippine National Police (PNP ) ang mga pari ng Simba­hang Katoliko na makiisa sa Oplan Tokhang Part II upang hindi gaanong maging madugo ang panunumbalik muli sa kapangyarihan ng pulisya sa pinaigting na giyera kontra droga sa bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa kung saan ay bibigyan na rin ng mga opisyal ng pulisya ng listahan ang mga pari sa kanilang mga hurisdiksyon ng mga drug personalities na target sa anti-drug campaign.

“ Yung pinapakita niya (Pangulong Duterte) na napaka-kapal na libro, ibigay natin doon sa mga pari na gustong humawak ng listahan. Makakatulong for sure yung ating church dyan para sa pagbabago nitong mga tao na ito yung listahan na ipinapakita niya mga coddlers at protectors, local officials”, pahayag ni Dela Rosa matapos matanong sa sinabi ng punong ehekutibo na pabibigyan sa PNP ng mga drug list ng mga personalidad na sangkot sa illegal na droga.

Aniya, importante ang dasal ng mga pari para magbago ang mga drug personalities sa halip na magpatuloy sa illegal na gawain na perwisyo sa lipunan lalo na sa mga  kabataan.
Close Ad X

Sinabi ni Dela Rosa na konting panahon na lamang at babalik na muli ang PNP sa giyera kontra droga o ang Oplan Tokhang Part II depende sa go signal ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, sa ilalim ng Oplan Tokhang Part II ay kakatukin ng mga pulis ang mga drug personalities  para hikayatin ang mga ito na sumailalim sa rehabilitasyon partikular na sa Nueva Ecija.
Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Magugunita na pan­samantalang tinanggal ni Pangulong Duterte ang kapangyarihan sa PNP para magpatuloy sa giyera sa droga matapos namang madiskubre na sangkot ang ilang scalawags na parak sa pagdukot sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo noong Oktubre 18, 2016 kung saan nadiskubreng pinatay mismo ito sa loob ng Camp Crame nitong Enero ng taong ito.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE, PHILSTAR

0 comments

Post a Comment