Friday, March 3, 2017

BREAKING: DepEd magsasagawa ng random drug testing sa mga guro at mag-aaral


Magpapatupad na ang Department of Education o DepEd ng random drug testing sa mga mag-aaral sa  sekondarya.

Ayon kay     Education     Secretary     Leonor   Briones, ito ay bahagi ng pakikiisa ng DepEd sa   kampanya   ng     pamahalaan   kontra   ilegal na droga.

Pero maliban sa high school students, isaisailalim   din sa random drug testing ang mga guro mula sa     elementarya at high school   maging ang mga opisyal at  staff ng DepEd sa central, regional at school   division offices.

Gayunman, tiniyak ni Briones na sasailalim muna sa orientation-training ang mga DepEd   personnel   simula   ngayong buwan   hanggang abril   ukol  sa   drug testing program ng  kagawaran.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: PTV

0 comments

Post a Comment