Thursday, March 2, 2017

Si De Lima ang isusunod na papatayin ng LP para sa panibagong conspiracy?

NAGWALA NA NAMAN SI DE LIMA LABAN
KAY PANGULO DAHIL SA SEGURIDAD NIYA

Mariing inakusahan na naman ni De Lima si Pangulong Duterte na kaya nitong ipapatay siya sa loob ng kulungan. “Wala akong tiwala sa kanya dahil siya ay mamamatay-tao at kaya niya akong ipapatay,” sabi ni De Lima. Kaya nag-aalala daw siya sa kanyang seguridad habang nasa loob ng Camp Crame.
Siniguro naman ni Pangulong Duterte ang kanyang pinakamabangis na kritiko na “100 percent safe and secured” siya sa kulungan. “Sinisiguro ko sa kanya na ligtas siya. Sa tingin ko, hindi interesado ang taong-bayan na makita siyang patay dahil gusto nilang makita siyang nakakulong dahil sa kanyang ginawa,” sabi ng Pangulo.

Buwelta naman ni De Lima, “Nasa panganib ang aking buhay bawat araw na nandito ako (sa loob ng kulungan). Feeling ko, wala akong kalaban-laban dito.”

TAMA SI DE LIMA. NASA PANGANIB NGA ANG BUHAY NIYA. PERO HINDI MULA SA MGA KAMAY NI DUTERTE KUNDI MULA SA MGA GALAMAY NG LIBERAL PARTY.

Noong Mayo 2010, ilang araw matapos ang halalan, bumagsak ang helicopter na sinakyan ni Rafael Nantes, gobernador ng Quezon Province at National Treasurer ng Liberal Party habang paakyat na ito papuntang Manila. Bumagsak ang helicopter ng 300 metro matapos itong biglang sumabog. May mga bulung-bulungan na papunta si Nantes ng Manila upang makipagkita sa isang kilalang media personality dahil may isisiwalat diumano ito.


Noong Agosto 2012, bumagsak sa karagatan ng Masbate ang eroplanong sinakyan ni Jesse Robredo, kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamunuang Lokal at isa sa mga haligi ng Liberal Party. Ayon sa mga otoridad, nagkaroon ng problema ang eroplano sa simula pa lang nang ito ay lumipad sa Cebu. May mga bulung-bulungan na may itinatagong mga dokumento sa kanyang condominium unit si Robredo na gustong kunin ng grupo ni DILG Undersecretary Rico Puno isang araw matapos bumagsak ng eroplano. Si Puno ay isa sa mga “kakampi, kaklase at kabarilan” ni Mr. Aquino. At ang Amerikanong technical diver na tumulong sa search ang retrieval operation ay pinatay ng security guard dahil lamang sa pagtatalo diumano sa pagbukas ng gate ng subdivision kung saan nakatira ang biktima.

Dalawang matataas na opisyal ng Liberal Party namatay sa parehong kalagayan – air crash. Ang sanhi ng crash ay parehong nagsimula nang ang kanilang sasakyang panghimpapawid ay nag-takeoff pa lamang. Parehong may pinabasehan ang conspiracy theories na lumabas matapos ang trahedya.
Sa isang larong sobrang laki ng taya (high stakes political game), kahit sino ay pwedeng idispatsa (expendable). Pwedeng patayin ang kahit kasapi upang isakripisyo sa dambana ng ambisyon, kapangyarihan at kayamanan, o isakripisyo sa ngalan ng Plan B.

Sa kalagayan ni De Lima ngayon, hindi siya mamamatay sa air crash dahil nakakulong na siya. Walang chance na makalabas at lumipad upang tsugiin.

Kaya ang dapat katakutan ni De Lima ngayon ay poison. Pero hindi ito manggagaling kay Duterte. Hindi rin naman niya kakain ang pagkaing galing kay Duterte. Siyempre, ang kakainin lamang niya ay yung galing sa kanyang mga kaalyado at kapartido. Yan ang mapanganib!

Source: Glenn Chong Facebook

0 comments

Post a Comment