Saturday, March 25, 2017

WATCH: 300 babaeng nurse at medical staff ang kinakailangan sa pinakamalaking ospital sa Kuwait



KUWAIT - Isa sa pinakamalaking ospital sa Kuwait ang Dar Al Shifa Hospital ang nangangailangan ngayon ng higit 300 na babaeng nurse at medical staff.

Lilipad papuntang Pilipinas ang Ministry of Health delegation ng Kuwait para magsagawa ng libreng exam sa mga gustong mag-apply.

“Usually, we hire Filipino nurses more than 10 years now. I’m going to the Philippines to hire nurses. They are excellent nurses. Most Kuwaiti hospitals prefer to hire nurses from Philippines,” sabi ni Dr. Shaya Hakeem, consultant ng Kuwait Ministry of Health.

Ayon kay Hakeem, may magandang background sa edukasyon at performance ang mga nars na Pilipina.

Ang kakailanganin ng Kuwait ay mga registered nurses na nasa 23 hanggang 40 anyos at may dalawang at anim na buwan karanasan sa mga ospital.

Sa ngayon, mahigit 200 Pinoy nurses at medical staff ang nagtatrabaho sa Dar Al Shifa Hospital, ang kauna-unahang pribadong ospital sa Kuwait.

“Currently, we have around 1,400 staff, 20% of them are from Philippines. We have good experience with them and we have good support and positive cooperation from the Philippine embassy. So if you are willing to join Dar Al Shifa and be part of our big family, please join us,” ayon naman kay Samah el-Assaad, deputy human resources manager ng nasabing pagamutan.

Bukod sa babaeng nurse, kailangan din ng mga babaeng dental hygienists, dental technicians, assistant salesladies, room service attendants, physiotherapists, radiologists, assistant caregivers at marami pang iba.

“Kami po ay natutuwa at mayroong ganitong opportunity sa ating mga kababayan. Ini-encourage natin ang mga kababayan natin na i-avail ang opportunity na ito,” sabi ni Labor Attache, Atty. Alex Paden.

Nasa P60,000 ang sweldo kada buwan ng mga nurse habang P56,000 naman para sa mga dental hygienists at P24,000 ang sahod para sa mga home care assistant at magandang pasahod sa iba pang mga posisyon.

Mayroon ding food allowance, libre ang accommodation pati transportation. Wala ring kaltas ang sahod, dahil walang ipapataw na buwis.

Gagawin ang libreng exam at interview sa mga nurse at medical staff sa Manila mula March 26 hanggang March 30 sa ADM International Manpower Services Company sa Pasig City.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment