Wednesday, March 29, 2017

WATCH: 40 mayamang pulis sa Central Visayas iimbestigahan


Nasa balag ng alanganin ngayon ang may 40 pulis na nakatalaga sa Police Regional Office (PRO)-7 o sa bahagi ng Central Visayas dahil sa mga hindi maipaliwanag na yaman.

Ayon kay Sr. Supt. Jose Carumba, Regional­ Internal Affairs Service chief ng PRO-7, sinimulan na nila ang imbestigasyon sa nabanggit na bilang ng mga pulis na nakitaan ng kanilang unexplained wealth.

Tatlong ahensya ang inatasan na magsagawa ng monitoring at mag-im­bestiga sa mga pulis na nasa listahan.

Sinabi ni Carumba, ang Regional Intelligence Division ang magmo-monitor sa mga properties habang ang Regional Intelligence Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) naman ang magmo-mo­nitor kung may kaugnayan din sa illegal drugs ang mga pulis na nasa listahan.

Ang region 7 ay sumasakop sa Bohol,Cebu, Siquijor at Negros Oriental.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment