Wednesday, March 15, 2017

WATCH: Isang ina ang nahuling bumabatak ng Droga habang kandong ang anak


Arestado ang apat katao matapos magsagawa ng pagsalakay ang mga operatiba ng Northern Police District  Enforcement Unit sa Brgy. 12, Caloocan City.

Kabilang sa mga dinakip sa loob ng dalawang palapag na bahay ang mismong umanoy tulak na si Gilbert Tandog alyas Nic Nic, 35 anyos, gayundin ang isang ginang na bitbit pa ang dalawang Linggo pa lamang na sanggol habang bumabatak na nakilala si Irish Enguio, 33 anyos.

Nahuli rin sa akto ng mga awtoridad na kasama umano sa pot session ang mga suspek pa na sina Melvin Enguio, 34 anyos, at Rowena Chu, 26 anyos.

Bukod sa iligal na droga ay nasamsam din sa lugar ang mga drug paraphernalia at lighter.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya na nakatanggap umano sila ng impormasyon na magsasagawa ng pot session ang mga suspek kayat agad na nagtungo sa lugar ang mga awtoridad at naaktuhang gumagamit ng shabu ang mga suspek.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa  sa mga suspek

WATCH VIDEO  BELOW:




SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment