Friday, March 31, 2017

WATCH: Supt. Lito Cabamongan binastos si Chief PNP Dela Rosa, Nag buhay hari pa sa kulungan


Naaktuhang bumaba­tak ng shabu ang isang opisyal ng Philippine ­National Police (PNP) at ang kasama nitong babae kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Iniharap ng Las ­Piñas City Police ang mga suspek na sina Supt. ­Lito Cabamongan, 50, ­dating hepe sa PNP Crime ­Laboratory-Alabang Sa­tellite Office, ­Muntinlupa City at Nedy Sabdao, 44, dalaga, nakatira sa Block 15, Tips St., Brgy. ­Talon 4, Las Piñas City, ­kina PNP director, General ­Ronald “Bato” Dela ­Rosa; National ­Capital Region Police Officer (NCRPO) Director Oscar Albayalde at Southern Police District (SPD) ­director, Chief Supt. Tomas ­Apolinario Jr.

Nakatikim ng ­mura mula kay General ­Dela Rosa ang suspek na si Cabamongan sabay na sinabihan ito na mata­tanggal ito sa pagkapulis.

Tameme naman ang nasabing pulis habang ito ay pinapagalitan at minumura ng PNP chief.

Base sa report, ­dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang makatanggap ng ­impormasyon ang Las Piñas City Police mula sa isang concerned ­citizen hinggil ­umano sa nagaganap na pot ­session sa Block 16, Lot 14 ­Everlasting Homes, Brgy. Talon 4 ng ­naturang lungsod.

Dahilan upang rumesponde ang mga ­pulis na nakatalaga sa ­Police ­Community Precinct (PCP) 6, at dito nga naaktuhan ang suspek na noong una ay hindi pa kilalang opisyal ng pulisya at ang kasama nitong babae na sumisinghot ng ipinagbabawal na gamot.

Agad naman ­dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang dalawa at ­kasalukuyang nakakulong habang ­inihahanda ang pagsampa ng ­kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act 2002.

Nakumpiska naman mula sa mga suspek ang 3 pirasong binalot na aluminum foil, 2 disposable plastic lighter at 3 pirasong transparent plastic sachet na may katas na pinaniniwalaang shahu.

Si Cabamongan ay nauna nang nagwala sa isang mall sa Las Piñas makaraang hindi papasukin sa sinehan dahil ­ayaw magbayad.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment