Tuesday, March 21, 2017

WATCH: Traffic enforcer, patay nang barilin ng sinitang motorista sa Pasay


Ayon sa mga awtoridad, dakong 4:00 p.m. nang barilin ng motoristang sakay ng isang AUV si Lunas sa  barangay 79, Zone 10.

Una umanong sinita ng kasamahang traffic enforcer ni Lunas ang salarin dahil sa pagsuway sa batas trapiko sa panulukan ng EDSA at Roxas Blvd.

Ayon kay Joey de Chavez, kasamahan ni Lunas, nagpakilala ang tumakas na motorista na pamangkin umano ng isang heneral nang una niyang patigilin.

"Pagharang ko sa kaniya [salarin], binuksan niya ako ng salamin. Ang pagkakasabi niya, 'pamangkin ako ng general.' Humarurot na siya ng takbo," kuwento ni De Chavez.

Si Lunas umano ang humabol sa motorista dahil mas malapit ito sa direksyong pinuntahan ng motorista.

Pero nang abutan niya ang sinasakyang AUV ng salarin, binaril na siya ng drayber nito.
Tumakas umano ang salarin na may kasamang babae.

Tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 na baril ang nakuha sa pinangyarihan ng krimen.
Kumikilos na ang mga awtoridad para matukoy ang salarin na mahaharap sa kasong murder.
Nitong nakaraang buwan, isang rider ng motorsiklo ang binaril at napatay ng motoristang nakaalitan sa kalye na si Fredison Atienza, na patuloy pa ring pinaghahanap.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment