Friday, April 28, 2017

BREAKING: Leni Robredo's delaying tactics not to start up recount

April 29, 17'| Saturday

PAAWA EPEK ANG DRAMA NI ROBREDO
"Malaki ang problema ni Vice President Robredo. Tama si Mr. Marcos, walang pera ang kanyang kalaban. Pero talagang sisikapin, talagang pipilitin para maipagtanggol ang kanyang karapatan." – Panayam ni Atty. Romulo Macalintal sa DZMM

Hindi kailangan ni Robredo na magfile ng counter-protest dahil:

1. Iginiit ng kampo niya sa simula’t-simula pa man na walang dayaan sa halalan. Kung walang dayaan, walang basehan ang kanyang counter-protest.

2. Ayon sa kanyang kampo, siya ang totoong nanalo sa halalan. Ang counter-protest ay remedyo lamang ng kandidatong hindi sigurado ang pagkapanalo.


Kung tutuusin, hindi malaki ang problema ni Robredo. Kung talagang nanalo siya sa isang halalang malinis at walang dayaan, bawiin lamang niya ang kanyang counter-protest at mawawala na ang kanyang “malaking problema” sa P8 million cash deposit.

Pero hindi ito babawiin ni Robredo dahil ito ay mabisang taktika upang maantala ang protesta. Bukod pa rito, magagamit din ito ng kampo niya sa isang drama upang maawa ang madla sa kanya. Kaya ayan si Mac, ipinagpalit ang kaluluwa sa impyerno (naging saksakan ng kasinungalingan) magtagumpay lamang sila.

NOTE: Ang pagfile ni Robredo ng counter-protest ay isang malaking pag-aamin na may dayaan sa halalan, hindi siya sigurado sa kanyang pagkapanalo, at siya ay sinungaling.

Source: Atty. Glenn Chong

0 comments

Post a Comment