Thursday, April 6, 2017

BREAKING: Sanggol muntikan ng lunurin ng Inang sabog sa droga!


Nasagip ng mga awtoridad ang isang sanggol na tinangka umanong lunurin ng sariling ina sa Manila Bay. Ang ginang, inaming nakadroga at naglasing dahil sa sama ng loob sa kaniyang mister na sumama sa ibang babae.
Sa ulat ni Lei Alviz sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing naabutan ng mga pulis ang ginang habang nilulunod umano ang tatlong buwang gulang niyang anak sa Manila Bay dakong 7:00 a.m.

Wala raw sa sarili ang babae at nagsisisigaw habang hawak na patiwarik ang umiiyak na sanggol at nilublob sa tubig.

Mabilis na humingi ng saklolo ang mga pulis sa Coast Guard at kaagad na dumating na sakay ng rescue boat. Unang sinagip ang sanggol at isinunod ang ina.

Sa presinto, inamin ng 33-anyos na ginang na gumamit siya ng shabu nitong Miyerkules ng gabi at uminom kasama ang mga kaibigan.

Ginawa raw niya ito dahil sa sama ng loob sa mister na sumama sa ibang babae.
Bagaman hindi raw niya alam na nakarating siya sa Manila Bay, itinanggi niya na tinangka niyang lunurin ang anak, na mahal na mahal umano niya.

Humingi ng patawad ang ginang sa nangyari at nais na lang daw niyang umuwi ng probinsiya para malayo sa bisyo.

Sasampahan ng reklamong child abuse ang ina at pansamantalang ilalagay muna ang sanggol sa pangangalaga ng social welfare department.

WATCH VIDEO BELOW:

SOURCE: GMANEWS

0 comments

Post a Comment