Sunday, April 30, 2017

BREAKING: 'Yellows are those behind the bombings and destabilization plot' —SolGen Calida

May 1, '17| Monday


BABALA SA MGA DILAWANG DESTABILIZERS

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, ang mga “yellows” ang nasa likod ng destabilization plot laban sa administrasyon ni Pangulong Duterte. Nagbabala siya na pagbabayaran nila ito.

Dagdag pa ni Calida, nagsimula na ang opisina niya na mangalap ng ebidensiya upang masampahan ng kasong kriminal ang mga taong nasa likod ng mga pagtangkang pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Iginiit din ni Calida na malinaw na may maraming tangkang pabagsakin ang pangulo na bahagi ng isang grand plan. At ngayon, sa harap ng international community nila ginagawa ito upang mapansin at makakuha ng simpatiya.

Hindi niya pinangalanan ang mga posibleng kakasuhan pero iginiit niya na karamihan sa kanila ay mga “yellows” o mga personalidad na kasapi ng Liberal Party.


Nang tanungin kung naniniwala ba siyang kasali si Mr. Benigno Aquino III sa destabilization plot, sagot ni Calida: “SIYA ANG PINAKA YELLOW SA KANILANG LAHAT.”

Suhestiyon kay Solicitor General:

Mangyari po bang tingnan din ninyo kung meron nga at aktibo ang mga “yellows” sa loob ng PET na siyang posibleng dahilan ng sobrang pagkaantala ng protesta sa pagitan ni Robredo at BBM.

Posible kasing binagalan ng husto ang protesta upang mabigyan ng panahon (buying time) na magtagumpay ang destabilization plot habang nakaupo pa ang huling baraha ng mga “yellows.” Para sa akin, ito ang pinaka-kritikal na aspeto ng buong Plan B o destabilization plot ng mga “yellows.”


Source: Philstar

0 comments

Post a Comment