Wednesday, April 19, 2017

WATCH: Dating mga drug dependents balak bigyan ng trabaho sa MRT-7


Upang magkaroon ng trabaho ang mga na-rehab na drug dependents na dati nang sumuko, balak ng pamahalaang lokal ng Quezon City na iha-hire ang mga ito bilang mga trabahador sa itatayong Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).

Ayon kay Quezon City vice mayor Joy Belmonte, layon ng lokal na pamahalaan na bigyang oportunidad ang dating drug dependents.

Nakatakdang magpirmahan ng kasunduan ang lokal na pamahalaan at ang isang pribadong kumpanyang magtatayo ng bagong linya ng MRT.

Maliban dito, may ilang pribadong kumpanya rin umano na nais ding bigyan ng trabaho sa call centers bilang mga clerks ang mga na-rehab nang drug dependents.

Matatandaang noong nakaraang taon, sinabi ni Blemonte na dahil sa kakulangan ng mga espasyo sa rehabilitation centers ng lungsod, pinauwi ang ilang drug dependents sa kani-kanilang mga bahay upang doon na isagawa ang kanilang rehabilitation program, sa ilalim ng pangangasiwa ng ng barangay officials.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE, GMANEWS

0 comments

Post a Comment