Wednesday, April 19, 2017

WATCH: Drug Suspect rumesbak sa pulis na humuli sakanya, Pulis pinatay sa saksak!


Patay ang isang pulis sa Bayambang, Pangasinan matapos siyang saksakin ng salarin na dati niyang nahuli sa isang anti-illegal drug operation.

Sa ulat ni Jette Arcellana sa GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Miyerkules, kinilala ang nasawing biktima na si PO2 Regin Tagulao.

Nadakip naman ang suspek na si Ronnie Ambat, na nakalaya sa piitan noong Hunyo 2016 matapos mabasura ang kinaharap na kaso tungkol sa iligal na droga.

Disyembre 2015 nang madakip si Ambat sa buy-bust operation na isinagawa ng pulisya na kinabilangan ni  Tagulao, na nakatalaga na ngayon Natividad police.

Halos isang taon mula nang makalaya si Ambat, muling nag-krus ang landas nila ni Tagulao sa isang birthday party nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, sinabi ng ilang saksi, bago maganap ang krimen, nakita nilang maayos pang nagkausap ang biktima at ang salarin.

Pero hindi nagtagal, nakita na si Ambat na armado ng patalim at pinagsasaksak si Tagulao mula sa likuran.

Sinubukan ng GMA News na kunan ng pahayag ang suspek pero tumanggi magsalita.

Wala pang pahayag na inilalabas ang pamilya ng biktimang pulis.

WATCH VIDEO BELOW:




SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment