Thursday, April 27, 2017

WATCH: How to prevent Vaginal Infection!


Isa ang pag-inom ng maraming antibiotics sa mga nagiging sanhi ng pagkakaroon ng vaginal infection.

Ayon kay Dr. Edwin de Mesa, isang obstetrician-gynecologist, normal lamang na mamasa-masa ang ari ng isang babae.

"Not necessarily dry, especially in the reproductive age, moist po 'yan. So meron ho talagang usual discharge na makikita sa vagina. Ang importante lang po as long as they are little in amount, hindi naman ho sila symptomatic, or wala hong sintomas tulad ng pangangati or foul-smelling, they don't have to be treated dahil eventually, kaya ng katawan ng isang tao para ho ma-overcome ang pagkakaroon ng increase ng discharge for a certain time," aniya.

Kinakailangan lamang umanong magpatingin sa doktor kung mayroong masamang amoy o pangangating kasama ang abnormal discharge.

Maaring senyales ng bacterial vaginosis ang pagkakaroon ng abnormal discharge na may masamang amoy.

Ayon kay De Mesa, nagkakaroon ng impeksyon kapag nagpapalit ang environment ng vagina.

"Dito po makikita na merong pagpapalit sa environment ng vagina from being acidic to alkaline. So 'yun hong pagkakaroon ng amoy na 'yun ay isang senyales na 'yung discharge ay really abnormal at kailangan nang gamutin," aniya.

Ilan sa maaring sanhi ng impeksyon ay ang hindi regular na pagkakaroon ng regla, ang hindi maayos na vaginal hygiene, at ang madalas na pakikipagtalik.

"Irregular ang menses, mas marami ang time na may blood ang vagina, nawawala 'yung normal environment ng vagina," paliwanag ni De Mesa.

Maari rin umanong dahil sa yeast infection ang pagkakaroon ng abnormal discharge.

Ilan sa sintomas ng yeast infection ang pagkakaroon ng abnormal discharge, pangangati at pamamaga ng external genetalia.

"Ang discharge po niya ay parang tisyung nilamukos at normally may kasamang pangangati at pamamaga ng external genitalia," ani De Mesa.

Wala rin umanong amoy ang discharge kapag ito ay dahil sa yeast infection.

Payo ni De Mesa, mahalaga na magpatingin sa doktor kapag nakaranas ng sintomas dahil maaring makapagpalala sa impeksyon ang self medication.

"Marami na rin pong nagseself-medicate. Isang nagiging cause din po 'yung paggamit ng maraming antibiotics, ginamit nila in the past, umulit, and then ginamot po, iba na po pala ang cause ngayon, so nagbi-build ho ng resistance at hindi na nagagamot," aniya.

WATCH VIDEO BELOW:






SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment