Wednesday, April 19, 2017

WATCH: Kadamay nanawagan ng libreng tubig at kuryente!


Noong 1986, ayon sa isang Congressman na ating nakausap, nangyari na rin ang “occupy” sa mga government properties pagkatapos na pagkatapos mapatalsik si ating Pangulong Ferdinand Marcos at ang kanyang pa­milya sa Palasyo ng Malacañang dahil sa people power.

‘Yung mga Bliss projects para sa in-city housing projects ng gobyerno ay basta na lang daw inokupahan ng mga tao pero dahil mayroon nang mamamayan na nagme-may-ari sa mga yunit ay pinaalis daw ng gobyerno ang mga omokupa.

Pati ‘yung mga bakanteng lupa, inokupahan daw ng mga maralitang taga-lungsod lalo na ‘yung mga pag-aari ng gobyerno at agad na tinayuan ng kanilang barung-barong kaya karamihan sa mga lupang pag-aari ng gobyerno ay hindi mapakinabangan ng pamahalaan dahil okupado na.

Marami rin mga private properties na lupain ang basta na lang inokupahan ng mga kababayan natin noon at karamihan sa mga inokupahan ay hawak pa ng maralitang taga-lungsod.

‘Yung mga government properties, karamihan, hanggang ngayon ay may mga nakatayong bahay na dahil mula sa barung-barong na naitayo ng mga omukupa noong 1986 ay naging isang bahay na dahil sa tagal na rin marahil ng panahong lumipas.

Ibig lang sabihin pagkatapos ng Edsa Revolution, nagkaroon ng anarkiya pero in-fairness sa gobyerno ay nakontrol naman nila, pero ‘yung mga government properties na inokupa ay nahirapan na silang mabawi.

Anarkiya rin ang tawag ng karamihan sa mga mambabatas sa ginawa ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa mga pabahay para sa mga pulis at sundalo sa Pandi, Bulacan noong Marso.

Matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibi­gay na lang sa mga Kadamay members ang kanilang inoku­pahang mga bahay ng mga pulis at sundalo eh sumusubok na rin daw ang ibang informal settlers na okupahan naman ang iba pang bakanteng pabahay na itinayo ng gobyerno.

Marami sa middle class ang umangal dahil puwede naman daw palang magkaroon ng bahay na hindi na ­sila magbabayad buwan-buwan sa loob ng 20 hanggang 25 taon pero sila pag-a-apply pa lamang para magkaroon ng sariling bahay eh pinahihirapan na sila magbayad dahil libre naman palang ipamigay ang mga pabahay.

Baka ‘yung mga dating informal settlers na matagal nang naghuhulog sa kanilang yunit sa relocation site na pinaglipatan sa kanila mula sa squatter sa Metro Manila ay hindi na magbabayad. Pero bakit kasi maraming ­housing projects ang National Housing Authority (NHA) na ­hindi naookupahan kasi matagal nang tapos? Kasi ang da­ming problema sa mga housing programs ng pamahalaan.

 ‘Yung mga yunit na inokupahan ng Kadamay members para sa mga pulis at sundalo, hindi yata appropriate sa mga pulis at sundalo natin dahil napaka­kitid at kulang ng pasilidad tulad ng tubig at kuryente.

Talagang hindi ookupahan ng mga pulis at ­sundalo ang mga yunit na ‘yan. Kaya nga sila pumasok sa serbisyo para gumanda ang kanilang kalagayan ­tapos ilala­gay sila sa ganyang kalagayan? Mataas din naman ang pangarap nila!!!

WATCH VIDEO BELOW:




SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment