Friday, April 21, 2017

WATCH: nabuksan ang 4 lanes sa Roxas Boulevard dahil sa clearing operation ng MMDA



MANILA, Philippines - Upang hindi na magbalik ang mga inalis  na illegal vendors at terminals, bantay sarado ng   pinagsanib na pwersa ng  AFP, PNP, Bureau of Fire Protection (BFP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kahabaan ng Roxas Boulevard, Service Road matapos nga ang isinagawang clea-ring operation kahapon  sa area ng Baclaran na nasasakupan ng Pasay at Parañaque City.

Alas-6:00 kahapon  ng umaga nang magsa­gawa ng clearing ope­ration mula sa may Redemptorist, Baclaran Church hanggang sa dulo ng Roxas Boule­-vard, Service Road. Dahil dito, kung kaya’t lumuwag na ang natu­rang daan na para sa mga dumadaang mga mo-torista at pedestrian.

Nabatid, na sa ikala­wang araw na clearing operation, dumating  sina MMDA General Ma­nager Tim Orbos at Pa­rañaque City Hall  Administrator Ding Soriano sa nasabing lugar.

Ayon kay Orbos, 24/7 nilang babantayan ang naturang lugar upang mapanatili itong malinis at maluwag sa daloy ng trapiko at hindi na babalik ang mga tinanggal na vendors at illegal terminal. Binarikadahan naman ng MMDA ng plastic barrier ang isang lane ng service road  ng  Roxas Blvd para pansamantalang doon muna mana-natili ang mga binaklas na vendors.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment