Saturday, April 8, 2017

WATCH: PAO Chief, Atty. Persida Acosta iginiit na wlang Extra-Judicial killings sa bansa


Naniniwala si Public Attorney’s OfficeChief Percida Acosta na walang nangyayaring Extrajudicial Killings (EJK) sabansa.

Ito’y sa kabila ng dumaraming namamatay sa gitna ng kampanya ngpamahalaan laban sa ilegal na droga at kriminalidad.

Ayon kay acosta – hindi siya naniniwala na may state-sponsoredang mga nangyayaring patayan.

Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson,Sr/Supt. Dionardo Carlos – sa kanilang datos mula July 01 hanggang March 24 mulasa mahigit anim na libong kaso ay higit dalawang libo ang kumpirmadong namataysa operasyon ng mga pulis at nasa humigit-kumulang isang libo ang kumpirmadongmay kinalaman sa ilegal na droga.

Patunay aniya rito ang bumababang datos ng mga nakakasuhangpulis dahil sa human rights violation.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: PTV

0 comments

Post a Comment