Wednesday, April 26, 2017

WATCH: Tatay Oly binigyan ng bagong Leather Boots si Pangulong Duterte!

Bago ang pagdating ng mga heads of states para sa kanilang pagdalo sa ASEAN Summit ay mayroong espesyal na bisita ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malacañang.

Batay kasi sa schedule ng Pangulo ay magkakaroon ng courtesy call sa Pangulo si tatay Oly ng Marikina o Rolando Santos na siyang gumawa ng isinusuot na sapatos ni Pangulong Duterte.

Matatandaang ibigyan ni tatay Oly ng leather boots si Pangulong Duterte kung saan nakitang ipinagmamalaki ito ng Pangulo sa kanyang Gabinete.

Bukod kay tatay Oly ay magkakaroon din ng courtesy call ang Board of Director ng Philippine Chinese Charitable Association kay Pangulong Duterte mamayang hapon.

Samantala, todo na ang paghahanda ng Malacañang para sa state visit ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah na kung saan tatanggapin ito ng Pangulo bukas sa Malacañang, sunod na darating naman para sa isa ding state visit ay si Indonesian President Joko Widodo ang dalawa ay bahagi ng mga State Leaders na dadalo rin sa ASEAN leaders Summit na gaganapin sa darating na Sabado.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment