Wednesday, April 26, 2017

WATCH: Walang trapik, mga tindero at siksikan na daan sa Baclaran!


Matapos ang Baclaran, isusunod ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Divisoria at iba pang problemadong lugar sa buong puwersang clea-ring operations kontra illegal vendors, illegal terminals at illegal parking.

Sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos na dahil sa pagiging matagumpay umano ng ginawa nilang paglilinis sa Baclaran, gagawin nila itong “template” o batayan ng ikakasa nilang mga operasyon sa ibang lugar sa Kamaynilaan sa pangunguna ng Divisoria na sa matagal na panahon ay patuloy pa rin ang mga problema sa kabila ng napakaraming operasyon na isinagawa doon.
Bukod sa Divisoria, kasama rin sa plano ng MMDA ang clearing operations sa Balintawak, Cubao, Quiapo, Guadalupe, Pasay Taft at iba pa.

Sa kabila nito, inamin ni Orbos na hindi pa umano tapos ang kanilang trabaho sa Baclaran na kasalukuyan nilang binabantayan ng 24/7 oras upang matiyak na hindi magbabalikan ang mga vendors sa bahagi ng Redemptorist at Roxas Blvd. Service Road na kanilang nilinis.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment