Tuesday, May 30, 2017

WATCH: Marcos tells President Duterte to keep going - The Filipino people need you!


Wednesday| May 31, 2017

Ito ang buod ng panayam kay BBM kaninang umaga sa programa ni Erwin Tulfo.

Ikinagagalak ni BBM ang sinabi ni Pangulong Duterte kahapon na kung siya lang sana ang nakaupong Vice President ngayon, pwede ng magbitiw sa pwesto ang Pangulo kung nanaisin niya ito.

Ikinararangal man ni BBM ang pagtitiwala ng Pangulo sa kanya, iginiit niya na hindi dapat magbitiw ang Pangulo dahil kailangan siya ng sambayanan Pilipino.

“Napakaganda nun (sinabi ng Pangulo) at nagpapasalamat naman tayo kay Pangulong Duterte at nagpaparamdam siya ng kanyang tiwala sa ating kakayahan. Pero huwag sana siyang magreresign at marami pa siyang gagawin at kailangan pa rin siya ng ating mga kababayan at matapos ang kanyang lahat ng mga programa.”

Ang mga ganitong pagpapahayag ng pagtitiwala ang nagbibigay ng inspirasyon kay BBM upang ipagpatuloy ang “pakikipaglaban para sa katotohanan” sa pamamagitan ng election protest na isinampa niya sa PET.

“Kaya naman pinapagpatuloy ang ating paglaban para sa katotohanan at patuloy pa rin ang ating pagseserbisyo sa publiko.”

Dagdag pa ni BBM, handa na ang kanyang legal team para sa darating na preliminary conference ng protesta sa June 21.

Ikinagalak din ni BBM ang resolusyon ni Senator Nancy Binay na nanawagan sa Senado sa agarang pagbuo at pagkaroon ng hearings ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (JCOC-AES).

“Maganda nga na nag-file ng resolution si Senator Nancy Binay na dapat iconvene na nga yung JCOC para tignan talaga kung ano ba talaga ang nangyari sa nakaraang halalan dahil marami naman talaga at maliwanag na maliwanag na talagang nagkaproblema dun sa implementasyon ng Smartmatic at Comelec.”

“Maraming gustong maging resource persons diyan sa JCOC hearing na yan para ipaalam sa taumbayan kung ano ba talang ang mga problema sa ating sistema ng halalan at ng sa ganoon ay ayusin nang lahat yan at hindi na mangyari ulit.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment