Saturday, May 6, 2017

WATCH: Panelo slams Callamard for having conclusion without evidence

 Wala nang kredibilidad si United Nations Rapporteur Agnes Callamard na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y nagaganap na extrajudicial killings sa ilalim administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo, ito ay dahil sa naniwala na si Callamard sa mga balita at sa report ng iilang indibidwal at matapos dumalo sa isang anti-drug war forum sa Quezon City.

Malinaw aniya na buo na ang kanyang pasya na may extrajudicial killings sa Pilipinas.

Bilang isang opisyal ng UN, dapat aniya na magsagawa ng independent na imbestigasyon si Callamard.

Dapat aniyang ipakita ni Callamard kung ano ang kaniyang basehan sa gagawing imbestigasyon.

Katunayan sinabi ni Panelo na may ipinadala nang imbitasyon ang Palasyo kay Callamard subalit tinanggihan ito.

Hindi aniya patas na magsagawa ng imbestigasyon si Callamard nang hindi man lang nakukuha ang panig ng gobyerno lalo’t hindi matatanong ang Pangulong Duterte na pangunahing akusado sa isyu.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment