Saturday, June 10, 2017

BREAKING: MRT at LRT, May libreng sakay para sa araw ng kalayaan!


Saturday| June 10, 2017

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng araw ng kalayaan magbibigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) at ang Light Rail Transit (LRT) sa June 12, 2017.

Sa abiso ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), aarangkada ang libreng sakay mula 7:00 hanggang 9:00 nang umaga at mula 5:00 nang hapon hanggang 7:00 nang gabi.

Ito ay para mabigyang pagkakataon ang publiko na makalahok sa mga aktibidad kaugnay ng independence day na karamihan ay gaganapin sa Rizal Park.

Kabilang rito ang job fair ng Department of Labor and Employment na gaganapin sa senior citizen’s garden, medical, dental at optical service ng Department of Health, MMDA at Manila City government na gaganapin naman sa burnham green.

Samantala, may temang “Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin” ang Selebrasyon para sa taong ito.

Magkakaron din ng sabayang flag raising at wreath-laying sa umaga kung saan si Pangulong Rodrigo Duterte ang inimbitahan bilang panauhing pandangal sa Rizal National Monument; si Senator Panfilo Lacson naman sa Kawit, Cavite; si Senator Loren Legarda sa Malolos City; si Senator Sonny Angara sa San Juan City; si PVAO Administrator Ret. Lt. Gen, Ernesto Carolina sa Manila North Cemetery; si Justice Mariano Del Castillo sa Bonifacio Monument sa Caloocan at si Department of Education Sec. Leonor Briones sa Angeles City, Pampanga.

WATCH VIDEO BELOW:




SOURCE: PTV

0 comments

Post a Comment