Friday, June 16, 2017

Ina ng Maute Brothers at Dating Mayor ng Marawi kinasuhan ng rebelyon


June 16, 2017| Friday

Kinasuhan nang Department of Justice (DOJ) ng rebelyon ang mga naarestong Maute at personalidad na sangkot sa Marawi siege.

Kabilang sa mga nahaharap sa kasong rebelyon ay ang ina ng Maute brothers na si Farhana Maute, ang dating Mayor ng Marawi na si Fahad Salic at sampung iba pa.

Nakipagsabwatan at tumulong umano ang mga nasasakdal sa Maute group para maghasik ng terorismo at kaguluhan sa Marawi. Plano raw ng Maute group na magtatag ng Islamic State at humiwalay sa Republika ng Pilipinas.

Isinampa ang kaso matapos ang inquest proceedings sa Cagayan de Oro City Regional Trial Court.

AGUIRRE: ILIPAT ANG PAGDINIG SA TAGUIG

Samantala, muling inapela ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa Supreme Court ang desisyon kaugnay ng pagtatalaga sa Cagayan RTC bilang korte na didinig sa mga kasong may kaugnayan sa Marawi siege.

Sa sulat na ipinadala ni Aguirre kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, hiniling ng DOJ na imbes na sa Cagayan de Oro City ay sa Taguig RTC na lang lilitisin ang mga kaso ng Maute at iba pang kaso kaugnay ng Marawi siege.

Hiniling din ni Aguirre na italaga ang Special Intensive Care Area (SICA) sa loob ng Camp Bagong Diwa bilang kulungan ng mga naarestong miyembro ng Maute group.

Magkalapit lang daw ang Taguig RTC at SICA kaya hindi ito malaking problema sa seguridad.

Ginawa raw ni Aguirre ang request para na rin sa kaligtasan ng mga court employees at piskal na may hawak ng mga kaso.

Ayon pa kay Aguirre, hindi bababa sa tatlong piskal na ang tumangging humawak sa mga kaso ng Maute group dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan. Suportado rin aniya ng IBP Misamis Oriental Chapter ang kanilang panawagan sa Korte Suprema.

May resolusyon aniya ang IBP Misamis Oriental na tumututol sa SC decision na ilipat sa Cagayan de Oro City ang Maute cases trial.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE, NEWS5

0 comments

Post a Comment