Friday, June 30, 2017

Martial Law ni Pangulong Duterte pinuri ng Kamara


Saturday| July 1, 2017

Umani ng papuri mula sa isang mambabatas sa House of Representatives ang pagpatutupad ng martial law sa Mindanao.

Sa ulat ni Rowena Salvacion sa dzBB nitong Huwebes ng umaga, pinuri umano ni Rep. Winston Castelo (2nd District, Quezon City) ang sistema ng mga sundalo't mga pulis sa implementasyon ng batas-militar sa Mindanao sa loob ng isang buwan.

Naipakita umano ng pamahalaan na maaaring ipatupad ang martial law na maayos at walang paglabag sa mga karapatang-pantao ng mga sibilyan.

Pahayag umano ni Castelo, maging ang Commission on Human Rights (CHR) ay nagsabing wala itong na-monitor na paglabag ng human rights mula sa hanay ng pamahalaan sa gitna ng giyera laban sa teroristang Maute at iba pang mga bandidong grupo na sumakop sa Marawi City mula pa noong May 23.

Pinuri din umano ni Castelo ang pagiging maingat ng mga sundalo at pulis na walang masisirang mga mosque at iba pang religious sites ng mga Muslim kahit na ginagamit ang mga ito na pugad ng mga terorista sa loob ng mahigit isang buwang bakbakan sa Marawi.

Hinamon naman ni Castelo ang mga nag-aakusa sa mga sundalo at pulis ng paglabag sa karapatang-pantao na magpresinta ng "proof" sa kanilang mga paratang.

SOURCE: GMANEWS

0 comments

Post a Comment