Saturday, June 10, 2017

SHOCKING: Mayor ng bohol pinatay ng sariling asawa! Bangkay itinapon sa dagat!


Sunday| June 11, 2017

Nananatili pa ring positibo ang kamag-anak at kaibigan ng napaslang na alkalde ng Bien Unido, Bohol na si Gisela Boniel na matatagpuan ang bangkay nito sa karagatan.

Kasunod ito ng pagpapatuloy ng search and retrieval operation ng mga awtoridad kahapon sa pagbabakasakaling marekober ang mga labi ng opisyal na itinapon sa karagatan sa pagitan ng Caubian at Olanggo Island na sakop ng Lapu-Lapu City, Cebu.

Kahapon ay muling sinuyod ng mga diver ang karagatan kasama ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police Maritime Group (PNPMG) at Lapu-Lapu City disaster group. May mga volunteer diver ding tumulong gamit ang fish detector.

Samantala, ang sinasabing matalik na kaibi­gan ng pinatay na Mayor na si Angela Leyson ay nagpahayag ng labis na pagkabahala sa kanyang seguridad.

Itinanggi rin ni Leyson na love triangle ang dahilan ng pagpatay sa alkalde at naniniwala siyang problemang pinansyal ang nagtulak sa suspek para isakatuparan ang krimen.

May negosyo umano si Boniel na buy and sell ng signature bags at mga mamahaling relo na umano’y maraming kliyente ang ‘di nakakabayad kaya nagkaproblema sa pera.

Inilarawan naman ni Leyson ang mastermind sa krimen na isa umanong ‘control freak’ na asawa kung saan dinidiktahan umano nito ang lahat ng mga kilos ng alkalde na maaaring dahilan kaya gusto na nitong makipaghiwalay at mag-resign sa posisyon para bumalik sa pagka-piloto.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment