Tuesday, June 6, 2017

WATCH: Alamin ang peligro sa paghilik at sa mga problema sa pagtulog!


Wednesday| June 7, 2017

 Naghihilik ka ba kapag natutulog? Alamin ang paliwanag ni Dr. Rainier Umali sa programang "Mars" tungkol sa posisyon ng pagtulog na peligroso umano sa mga naghihilik, na mistulang sinasakal ang sarili.

Sa segment na "Momergency" ng "Mars," tinalakay dito ang mga sabi-sabi at katotohanan tungkol sa pagtulog.

Ibinahagi ng mga guest celebrity ang kanilang problema sa pagtulog dahil na rin sa uri ng kanilang trabaho bilang artista at entertainer.

Ayon kay Dr. Umali, isang psychiatrist,  tatlong uri ang problema sa pagtulog. Ito ay ang hirap na makatulog, hirap na mapanatili ang pagkakatulog at maagang paggising kaya hindi husto ang tulog.

Mahalaga umano ang magkaroon ng sapat na tulog para ma-recharge ang utak.

Wala naman daw problema kung sa umaga natutulog ang isang tao kung sa magdamag ang kaniyang trabaho. Gayunman, kailangan daw maikondisyon ang sarili sa pagbabago ng oras sa pagtulog para makasanayan ng katawan at isip.

Samantala, ipinaalala naman ni Dr. Umali sa mga naghihilik na maituturing ligtas kung nakatagilid sa kaliwa o kanan ang posisyon sa pagtulog.

"If you sleeping either left or right, safe 'yan," paliwanag ni Dr. Umali.
Maaari pa rin umanong maghilik sa nabanggit na posisyon pero hindinaman delikado.

Ang peligroso umano ay ang paghihilik nang nakatihaya dahil maaaring umatras ang dila at magkakaroon ng obstructive apnea, na mistulang pagsakal sa sarili.

"Hindi ka makakahinga, you might die," aniya.

Kapag nakararanas umano ng sleep apnea, sinabi pa ng duktor na hindi nakakaya ng utak na gisingin ang natutulog.

Panoorin ang naturang episode ng "Mars" alamin ang iba pang dapat tandaan tungkol sa pagtulog:

WATCH VIDEO BELOW:




SOURCE: YOUTUBE, GMANEWS

0 comments

Post a Comment