Friday, June 23, 2017

WATCH: Dating Mayor ng Marawi City nakuhanan ng P10-M halaga ng shabu!


MARAWI CITY - Kinumpirma ng drug enforcement unit ng Philippine National Police sa Marawi City ang pagkakakumpiska ng dalawang kilo ng hinihinalang shabu mula sa bahay ng isang dating alkalde ng lungsod Biyernes.

Ayon sa report, nagsasagawa ng clearing operations ang pulisya sa Barangay Bangon nang makakita ng ilang shabu paraphernalia. Sinundan nila ito hanggang makarating sa bahay ni dating Marawi Mayor Omar Solitario Ali.

Dito natagpuan ng awtoridad ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P10-M mula sa isang cabinet sa ikalawang palapag ng bahay.

Hawak na ng pulisya ang nasamsam na droga mula sa nasabing bahay.

Nauna nang binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin si Ali sa pagkakasangkot nito sa kaguluhan sa Marawi.

Kabilang ang pangalan ni Ali sa listahang inilabas ng Department of National Defense ng mga taong may kinalaman umano sa krisis sa Marawi City at iba pang parte ng Mindanao.

Isang buwan na ang bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at mga teroristang nauugnay sa Islamic State sa Marawi City, kung saan may 375 na ang namatay, kabilang ang 280 terorista, 69 na mga sundalo at pulis, at 26 na sibilyan.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: ABS-CBN, YOUTUBE

0 comments

Post a Comment