Saturday, June 17, 2017

WATCH: Isang "Super-Pulis" Hindi tinablan ng bala ng baril sa bakbakan sa Marawi


Sunday| June 17, 2017

Ito raw ang tanong sa kanya ng doktor na gumamot sa kanya nang tamaan siya ng bala ng baril sa pakikibakbakan sa  mga terorista sa Marawi City, ayon kay Police Officer 3 Isah Sangcad, miyembro ng Autonomous Region of Muslim Mindanao – Regional Public Safety Battalion.

Ang tawag nga sa kanya ng mga opisyal na nakatataas sa kanya ay “the man who defied science” dahil nang tamaan siya ng bala sa kanyang sakong ang bala ng baril ang nadurog sa halip na buto niya.

“Noong X-ray, ang sabi ng doktor, ano raw ang buto ko… stainless ba daw. Kasi ‘yung bullet ang nawasak. Hindi ‘yung buto. Nagulat ‘yung doktor,” kUwento ni PO3 Sangcad.

Nang tamaan naman siya ng bala sa palad ay hindi tumagos ang bala at nanatili lamang daw iyon sa kanyang palad.

“‘Yun ang milagro, hindi natin alam. ‘Yung nasa taas ang may alam diyan. Nagpapasalamat ako kay Allah at saka sa Maykapal na ganito ang nangyari sakin… hindi ako namatay, buhay pa,” aniya.

Ayon sa GMA, pinoproseso na umano ng Police Regional Office ang posibleng award para kay Sangcad dahil sa dedikasyon at katapangan nito.

Nakamamangha, ‘di ba? Ating panoorin ang pahayag ng pambihirang pulis sa ulat na ito ng 24-Oras:

WATCH VIDEO BELOW:


SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment