Tuesday, June 20, 2017

WATCH: Misis pinaslang ng sariling asawa, Mister sabog sa Shabu!


 Patay ang isang 26-anyos na ginang matapos siyang pagtatagain ng sarili niyang mister na hinihinalang lango sa ipinagbabawal na gamot sa Laguna.

Sa ulat ni Victoria Tulad sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing halos maputol ang leeg ng biktimang si Ailene Tapay dahil sa tinamong mga taga mula sa mister na si Erwin Tapay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, tanghali nitong Biyernes nang umuwi sa kanilang bahay sa Calauan, Laguna ang suspek at basta na lang umano pinagtataga ang biktima.

Mabilis na tumakas ang salarin pero naaresto rin habang hawak-hawak ang tila karet na patalim na ginamit umano sa krimen.

Hindi naman makapaniwala ang ina ng biktima sa sinapit ng kaniyang anak.

"Napakawanghiya po niya. Parang hayop niyang pinatay ang aking anak," hinanakit ng ina na inilarawan ang anak na napakabait.

Isinugod din sa ospital ang suspek dahil sa hiwa nito sa leeg sa hinihinalang tinangka niyang magpakamatay.

Ayon sa mga awtoridadm posibleng lulong sa droga ang suspek nang gawin ang krimen.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong parricide.


WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE

0 comments

Post a Comment