Thursday, July 20, 2017








Bato to U.S: We're not a province of U.S, they shouldn't interfere in our domestic issues

July 21| Friday

MANILA, Philippines – Hindi sang-ayon si Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa planong imbestigasyon na gagawin ng grupo ng mga mambabatas mula sa Amerika tungkol sa war on drugs ng administrasyong Duterte.


Ayon kay PNP Chief Dela Rosa, hindi na raw dapat makialam ng Estados Unidos sa pamumuno ng Pangulo sa bansa.

“Why are they considering us to be the 51st state of US, wala ba tayong sovereignty? I don’t know anong rason nila; are we a province of US… they can investigate sa kanila, bahala sila, wala kaming pakialam sa kanila, hindi naman kami sakop ng Amerika”, ayon kay Dela Rosa


Hindi rin daw dapat idahilan ng Amerika ang ibinibigay nilang tulong sa Pilipinas na magbibigay-daan para basta nalang nila imbestigahan ang paraan ng pamumuno ng pamamalaan.

“Bakit gagawin nilang rason yung aid na ihinto nila dahil nga sa war on drugs? I dont know, pabayaan mo nga sila”, dagdag pa ni Dela Rosa

Source: InterAksyon

0 comments

Post a Comment