Monday, July 31, 2017

WATCH: 'overkill ang ginawa sa mga Parojinog' —Atty. Topacio

August 1, 2017| Tuesday

Itinuturing ni Atty. Ferdinand Topacio na "overkill" ang isinagawang raid mga pulis na ikinamatay nina Ozamiz City Mayor Reynaldo "Aldong" Parojinog at 14 iba pa noong Linggo.

Ayon kay Topacio, abogado ni Vice Mayor Nova Parojinog, hindi makatarungan ang raid dahil nadamay ang iba pang kasama ng alkalde kahit pa man natukoy na drug lord ito.

Dagdag pa ni Topacio, imposible rin na barilin ng asawa ng mayor na si Susan ang mga pulis dahil senior citizen na ito at matanda na para humawak pa ng baril.

Bukod dito kinuwestyon din ng abogado ang pagkabigo ng mga pulis na magbigay ng kopya ng mga dokumento kaugnay sa raid.

Pinag-aaralan na rin aniya ni Nova ang pagsampa ng kaso laban sa tatlong pulis na sangkot sa operasyon habang inihahanda na rin ng mga otoridad ang ihahain na kaso laban sa dalawa matapos mare-schedule ang kanilang inquest ngayong araw.

WATCH THE VIDEO HERE:

Source: News5

0 comments

Post a Comment