Monday, July 17, 2017

WATCH: Pangulong Duterte ipinahiya si Ombudsman Morales sa Malacañang


July 18, 2017| Tuesday

Hindi ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging komento ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kaniyang pagbabanta na papatayin ang mga kriminal.

"Find me a law which says I cannot threaten a criminal with death... If you can do that, I will step down tomorrow," pahayag ni Duterte ngayong Lunes sa oath taking ng mga bagong presidential appointee.

“Rendahan mo ‘yang bunganga mo kasi may problema," dagdag niya.

Sa kaniyang panayam sa Japan news channel na NHK World, sinabi ni Morales na mali ang tila ginagawang paghihikayat ni Duterte sa publiko na pumatay.

Iginiit ng pangulo na tinutukoy niya ang pagpatay sa mga kriminal at hindi ng mga tao.

Dati nang sinabi ng gobyerno na hindi maituturing na tao ang mga kriminal kaya naman hindi matatawag na crime against humanity ang pagpatay sa kanila.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"Do not play God and shut up. Wala ka namang batas, ibigay mo sa akin," patuloy ni Duterte.

Samantala, binatikos din niya ang opisina ni Morales dahil sa katiwalian.

Aniya ayaw na niya sanang sumagot pa sa mga naging komento ni Morales dahil balae niya ang kapatid ng Ombudsman ngunit hindi rin siya nakapagtimpi.

Binanggit din ni Duterte na hindi na niya basta-basta palalampasin ang mga pambabatikos sa kaniya.

WATCH VIDEO BELOW:



SOURCE: YOUTUBE, PHILSTAR

0 comments

Post a Comment